"Alam mo bang lahat ng kadalagahan dito sa San Raphael ay nangangarap na makilala ka? Because you're as handsome as a devil...Ilang linggo na rin akong nanliligaw, kailan mo ba ako sasagutin...Damn you, James! Stop playing hard to get...!"
Paulit-ulit na naririnig ni James ang tinig na 'yon sa kanyang isipan na parang kahapon lang nangyari ang lahat. Walang araw na hindi nagbabalik sa kanyang alaala ang isa sanang magandang pag-ibig na kanyang pinakawalan at tuluyang naglaho sa kanyang mga kamay.
"Hanggang kailan, James?" ang tanong ni Aling Lora buhat sa kanyang likuran na hindi niya namalayang nakalapit na sa kanya.
Hindi sinagot ni James ang tanong ng kanyang ina. Makalipas ang mahabang katahimikan, muling nagsalita si Aling Lora.
"Limang taon na ang nakakaraan, James. Nang umalis tayo sa San Raphael at lumipat sa Maynila, inakala kong maghihilom na ang sugat na ibinunga ng mga pangyayari," ang madamdaming pahayag ng kanyang ina.
"Subalit nagkamali ako dahil patuloy kang nabubuhay sa nakaraan. Tuwing sasapit ang gabi, lumalabas ka at pinagmamasdan ang kalangitan na tila ba umaasang sa gitna ng dilim ay makikita mo si Nichole," ang malungkot na pagpapatuloy ni Aling Lora habang pinagmamasdan si James.
Sa edad na 26, malaki ang ipinagbago ng binata sa nakalipas na limang taon. Naroon pa rin ang pagiging simpatiko ng binata ngunit wala na ang kislap sa kanyang mga mata, ang tanging naroroon ay kalungkutan. Sa kabila ng pagiging isang tanyag na engineer ay hindi makaramdam ng ganap na kaligayahan si James sapagka't patuloy niyang sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Nichole.
"Ano'ng gusto mong gawin ko, Ma. Hindi ko rin gusto ang nararamdaman ko pero kasalanan ko ang lahat, 'di ba?" ang sagot ni James sa ina na puno ng kapaitan.
"Walang sumisisi sa iyo, James. Matagal ka nang napatawad ni Monica at nararamdaman kong walang galit sa'yo si Nichole. Sa tingin mo ba masaya siya sa ginagawa mo?"
"I love her, Ma," ang madamdaming sinabi ng binata na tila ba hindi narinig ang sinabi ni Aling Lora.
"Alam naming lahat iyon, pero wala na siya at ikaw ay nabubuhay pa. Kailangan mong ituloy ang buhay alang-alang sa kanya."
"Paano, Ma?" ang tanong ng binata habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
"Umibig kang muli, anak."
Isang pilit na ngiti ang itinugon ni James sa sinabi ng ina at marahang umiling.
"Ang panibagong pag-ibig ay hindi nangangahulugan ng paglimot sa nakaraan. Ang nakaraan ang magiging gabay mo upang matagpuan ang tunay na pag-ibig na laan para sa'yo," ang makahulugang sabi ng matanda sa kanyang anak habang mahigpit nitong hawak ang balikat ni James.
"Paano kung hindi ko na magawang magmahal muli?" ang may pag-aalinlangang tanong ng binata.
"Dumating si Nichole sa buhay mo ng hindi mo inaasahan. Nagpilit siyang pumasok sa iyong puso pero pinigilan mo. Ang pag-ibig ay dumarating ng walang babala at kung maramdaman mo, huwag mong sikilin tulad ng iyong ginawa."
Isang tango ang isinagot ni James sa paliwanag ng kanyang ina. Matapos magpasalamat ay mahigpit niyang niyakap si Aling Lora. Batid niyang hindi madali ang sinasabi ng kanyang ina ngunit nararamdaman niyang nakahanda na siya upang harapin ang bagong kabanata ng kanya buhay.
Alvarez Building
Pagkatapos ng tatlong gabing sunud-sunod na overtime, masayang -masaya ang mga empleyado ni Mr. Arnulfo Alvarez, President ng Alvarez Construction, dahil sa pagkakapanalo nila sa isang multi-million project.
"Congratulations, James!" ang masayang bati ni Mr. Alvarez habang mahigpit na kinakamayan ang binata.
"Magagaling po ang lahat ng mga Engineers natin, Sir," ang mapagkumbabang sabi ni James.
"Alam ko 'yon, James dahil ikaw ang Chief Engineer nila," ang nakangiting sabi ng matanda na sinang-ayunan ng kanyang mga kasama.
"Gusto kong isabay ang selebrasyong ito sa anniversary ng kasal namin ng aking asawa. Aasahan ko kayong lahat bukas," ang sabi ng matanda na sinabayan ng masayang palakpakan ng kanyang mga tauhan.
Pinayagang mag-half day ni Mr. Alvarez ang kanyang mga empleyado. Makalipas ang ilang minuto, maingat na pinatatakbo ni James ang kanyang kotse sa kahabaan ng EDSA. Pagsapit sa Crossing, naging masikip ang daloy ng trapiko. Biglang nakaramdam ng inis ang binata ng matuklasan ang dahilan ng matinding traffic, ang iba't ibang sektor na nagmamartsa sa lansangan habang may mga hawak na streamers na sumisigaw ng kanilang mga ipinaglalaban. Karamihan dito ay mga kabataan.
"Shit! Wala talagang magawa ang mga taong ito kundi ang mang-abala ng ibang tao," ang naiinis na bulong ni James habang unti-unting umuusad ang kanyang sasakyan.
Habang pinagmamasdan ang pagtawid ng mga raliyista sa kabilang kalye, may isang mukha ang tumawag ng kanyang pansin na kasama sa grupo ng mga kababaihan. Sa kabila ng kupas na maong, rubber shoes at t-shirt na pula ay hindi maikakaila na maganda ang babaeng nangunguna sa pagsigaw na sinusundan ng kanyang mga kasama. Nakapusod ang mahabang buhok at mamula-mula ang makinis na mukha dahil sa sikat ng araw.
"Tsk, tsk, tsk! Sayang ang ganda ng babaeng ito," ang naiiling na sabi ng binata habang sinusundan ng tanaw ang papalayong grupo.
Kinabukasan, masayang-masaya ang mga bisita nina Mr. at Mrs. Alvarez na karamihan sa mga ito ay mga empleyado ng Alvarez Construction. Nakaupo sa isang mesa si James kasama ng ilang mga kasamahan niya sa opisina ng mapatuon ang kanyang pansin sa isang babaeng nakatayo sa isang sulok habang umiinom ng punch. Kumunot ang noo ng binata ng mapagmasdan ang babae hindi dahil mababakas sa magandang mukha nito ang boredom kundi dahil pamilyar kay James ang mukha ng babae. Nakita ng binata ang paglapit nina Mr. at Mrs. Alvarez sa babae. Biglang umaliwalas ang mukha nito at saka humalik sa pisngi ng dalawang matanda. Inakbayan siya ni Mr. Alvarez at dinala sa puwesto nina James.
"Guys, I would like you to meet my youngest daughter, Danielle," ang pagpapakilala ng matandang lalake na ikinagulat ni James.
"Dani, this is James Santillan, the man behind our success."
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Dani matapos makipagkamay sa binata.
Matapos ang kuwentuhan at biruan naiwan sina James at Dani sa mesa dahil nagkayayaang magsayaw ang kanilang mga kasama.
"Hindi ko alam na muli kitang makikita dito," ang basag ng binata sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Nakita kita kahapon kasama ng mga nagra-rally," ang dugtong ng binata ng makita ang pagtataka sa mukha ng dalaga.
"That's my life James, kung paanong ang Amerika ang buhay ng dalawa kong kapatid."
"Paano kung ikulong ka ng ama mo sa loob ng opisina?" ang nananantiyang tanong ng binata. Hindi niya lubos na maunawaan kung bakit ang isang tulad ni Dani ay kinakailangan pang lumabas sa kalsada gayong pwede naman itong mabuhay ng maginhawa.
"Hindi iyon gagawin ni Papa..." ang may katiyakang sagot ng dalaga..."nangangamba 'yon na baka araw-araw na magkaroon ng picket line sa harap ng opisina," ang biro ni Dani na sinabayan ng tawa at hindi rin napigilan ni James ang mahawa sa kaligayahang nakikita niya sa mukha ng kausap.
Sa loob ng ilang oras, naging komportable ang dala sa isa't isa. Si James, makalipas ang limang taon ay nagawang tumawa ng totoo samantalang si Dani sa kauna-unahang pagkakataon ay tinapos ang party ng hindi naging kainip-inip ang bawat oras.
Ang unang pagkikitang iyon ay naging dahilan upang maging magkaibigan ang dalawa. Maraming nalaman ang binata tungkol sa dalaga na sa kabila ng kalagayan ng kanyang pamilya, pinili nitong mag-aral sa isang pamantasan na pag-aari ng pamahalaan. Sa isang pamantasan na kasamang itinuturo ang kanilang mga karapatan bilang mga mamamayan. Pinatunayan niya rin na maaaring magsama ang mayaman at mahirap sa isang adhikain, ang paghahanap ng pagbabago.
Sa loob ng ilang buwang pagkakaibigan, ang bagay na dating kinaiinisan ni James ay lubos niyang naunawaan sa tulong ni Dani. May mga pagkakataon pa na nakakasama ang binata sa mga mobilisasyon na isinasagawa ng grupo ng dalaga. Hanggang ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa malalim na damdamin sa isa't isa na ikinatuwa ng kanilang mga magulang lalo na si Mr. Alvarez.
"Mahalin mo ang anak ko nang walang reserbasyon, James," ang madamdaming pahayag ng matanda. "Bilang ama, hindi ko gusto ang ginagawa niya. Lagi akong nangangamba na baka isang araw, magbuwis din siya ng buhay dahil sa kanilang ipinaglalaban ngunit minsan man hindi ko sinubok na itali siya sa kumpanya..." ang pagpapatuloy ni Mr. Alvarez. "Huwag mong pilitin baguhin si Dani sa isang katauhang gusto mo dahil mabibigo ka lang."
Isang nakakaunawang ngiti ang itinugon ni James sa sinabi ng matanda.
Lumipas ang mga buwan na lalong tumibay ang pagmamahalan ng dalawa. Pagkalipas ng maraming taon, nagawa ng binatang pag-usapan si Nichole ng walang pait na nararamdaman.
"Hindi ko susubukang alisin mo ang alaala ni Nichole. Ang tunay na pag-ibig ay hindi namamatay lumipas man ang mga panahon. At ang tunay na umiibig ay nakakabatid ng hiwaga ng bawat tibok ng puso ng taong minamahal," ang buong pagmamahal na sinabi ng dalaga.
"I love you," ang sabi ni James kasabay ng mahigpit na yakap sa kasintahan.
Inakala ng binata na wala ng problemang darating sa pagitan nilang dalawa. Buhat sa construction site, plano niyang tumuloy kina Dani at yayain itong kumain sa labas at doon na rin siya magpo-propose sa dalaga. Subalit ginulantang siya ng balitang nasa ospital ang kasintahan. Isinugod kasama ng ilan nitong mga kasamahan. Sakay ng isang kotse galing sa negosasyon para sa hinihinging pagtataas ng sahod, may mga di-kilalang armadong lalake ang humarang sa kanilang sinasakyan kasabay ng pagpapaulan ng bala dito.
Sa labas ng operating room, naroon ang mga magulang ng dalaga na halata ang pag-aalala para sa anak, si Aling Lora na higit na nakakaalam kung ano ang nararamdaman ni James habang nakatayo sa may sulok. Mababakas sa mukha ang pagod, pag-aalala at takot. Walang ingay itong nakalabas ng ospital hanggang makarating sa parking lot. Nanlalambot na sumandal sa hood ng kanyang sasakyan at tumingala sa madilim na kalangitan.
"Hiniling ko noon na iligtas Mo si Nichole. Tatlong araw Mo akong binigyan ng pag-asa, 'di ba?" ang naluluhang sabi ng binata.
"Pero binawi Mo rin siya sa akin. Limang taon kong isinara ang puso ko hanggang ipakilala Mo sa akin si Dani. Babawiin Mo na naman ba ang ipinahiram Mo sa akin? Oh, God please save her alang -alang sa mga taong umaasa sa kanya," ang pagsusumamo ni James habang yumuyugyog ang mga balikat sa walang tigil na pagtulo ng mga luha sa kanyang mata.
Kung gaano katagal sa ganoong ayos ang binata ay hindi niya alam. Isang dantay sa balikat ang nagpatunghay sa kanya.
"She made it, James," ang nakangiting sabi ng kanyang ina.
Isang linggo pagkatapos lumabas ng ospital ang dalaga muling bumalik si James sa San Raphael. Makalipas ang mahabang sandali sa harap ng puntod, masuyong hinawakan ni James ang kamay ni Dani.
"Let's go," ang yaya ni James.
Isang tango ang isinagot ng babae. Hinayaan niyang mauna sa sasakyan ang binata. Sandaling pinagmasdan ang puntod ng kauna-unahang babaeng minahal ng kasintahan.
"Thank you, wildheart," ang nakangiting sabi ni Dani at nilingon si James na buong pagmamahal na naghihintay sa kanya.
(Please wait for the next issue, ang pagbuo sa WILDHEARTS dot com, ang mga babae sa likod nito at ano ang magiging papel nito sa buhay nina James at Dani?)

No comments:
Post a Comment