The first two parts of these series were published in 2001 issue of The Gazette (the official student publication of the Cavite State University-Main Campus where my mom was a Literary Editor then). Since she needed to give way for the other articles and her unexpected resignation, the concept had long years forgotten. At sa tagal na rin ng panahon, madami sa mga ideas niya noon ang nabago ngayon. Hope you enjoy reading!
Madilim ang kalangitan na tila nagbabanta ng pagbuhos ng isang malakas na ulan ngunit hindi ito nagpatinag sa aking kinatatayuan. Sa bawat dampi ng mabining hangin sa aking katawan, tila naririnig ko pa rin ang tinig ni Tiya Monica...
"Wala kang kasalanan, James. Anuman ang nangyari, nararamdaman kong hindi niya gustong makita kang ganyan."
Ngunit hindi ko maramdaman ang kapatawaran sa aking ginawa. Sa nanlalabong mga mata dahil sa luha, unti-unting lumilinaw sa aking gunita ang isang magandang mukha. Kagandahang aking pinag-alinlanganan.
"Hi! My name's Nichole, just call me Nicky."
Lumingon ako upang hanapin ang pinanggalingan ng malamyos na tinig na iyon. Nakita kitang nakatayo sa kabilang bakuran habang ang mga braso ay nakapatong sa mababang pader na nagsisilbing pagitan sa ating mga bahay. Doon ko rin unang napagmasdan ang iyong kagandahan. Ang iyong mahabang buhok na inililipad ng pang-umagang hangin ay nagkukulay buhok ng mais tuwing tatamaan ng sikat ng araw. hindi ko maiwasang pagmasdan ang iyong makinis na mukha. Ang iyong mga mata ay kulay asul tulad ng maaliwalas na kalangitan. Matangos ang ilong kumpara sa pangkaraniwang Filipina at ang iyong mapupulang labi na nag-aangkin ng mapanuksong ngiti na kahit ang batong buhay sa dalampasigan ay kayang palambutin.
"Alam mo bang lahat ng kadalagahan dito sa San Raphael ay nangangarap na makilala ka? Because you're as handsome as a devil."
Nagkunwari akong hindi naririnig ang mga sinasabi mo. Tinalikuran kita at nagpatuloy sa pag-eensayo ng basketball.
"At isa na ako ro'n. Mas lamang nga lang ako sa kanila dahil magkapitbahay na tayo, magkaibigan pa ang Mama at si Tita Lora." Ang patuloy mong pangungulit.
"Masyado mo akong pinapahanga sa kaprangkahan mo, little girl." binigyang-diin ko ang mga huling salita... "but sorry darling, hindi ako pumapatol sa bata." ang pagpapatuloy ko sa tinig na may halong panunuya. Hindi ako maaaring magkamali nang makita kong may lungkot na rumehistro sa iyong mga mata ngunit bigla ring naglaho.
"I'm sixteen, not too young for you. Twenty one ka lang naman, 'di ba?"
Bago ko sakyan ang mga kalokohan mo, naiiling akong pumasok sa loob ng aming bahay.
Lumipas ang mga araw at hayagan mong ipinakikita ang iyong nararamdaman para sa akin. Alam na rin nina Tita Monica at ng Mama ang mga ginagawa mo. Subalit sa halip na magalit, tuwang-tuwa pa sila sa mga kapilyahan mo lalo na ang Mama.
"Ilang linggo na rin akong nanliligaw, kailan mo ba ako sasagutin, ha?" ang pangungulit mo.
"Paano kung sabihin kong hindi kita type?" ang hamon ko sa iyo.
"Damn you, James! Stop playing hard to get!" Ang naiinis mong sagot lalo na nang makita mong hindi ko sineseryoso ang mga sinasabi mo.
"Stop playing with me, wild heart."
"Wild heart?" ang naguguluhan mong tanong.
"Yes, wild heart. Ikaw na yata ang pinakamatapang na babaeng nakilala ko, sasabihin ang anumang gustong sabihin at kumikilos ng hindi pinahahalagahan ang iisipin ng ibang tao. Alam mo bang hihimatayin si Maria Clara kapag pinagtabi kayo?" ang natatawa kong paliwanag na lalo mong ikinainis.
Dumating ang pasukan at inaasahan kong titigilan mo na ang iyong mga kalokohan subalit nagkamali ako. Halos ang buong Engineering Department ng St. Raphael University ay itinutukso ako sa iyo. Bakit hindi? Lagi kang nakasunod, sa canteen, sa basketball court o kahit saan basta may libreng oras ka. Gusto kong mainis ngunit hindi ko magawa. May bahagi ng puso ko ang hahanapin ang mga kakulitan mo kapag itinigil mo ang mga ito. Ngunit ang aking isipan ay sumisigaw na hindi ko dapat samantalahin ang pagkakataon. Bata ka pa at alam kong darating ang araw na lilipas din ang iyong nararamdaman at muli kang hahanga sa iba. Upang tuluyan kang maitaboy, ang magkaroon ng kasintahan ang pinakamabuting paraan. Nang mabalitaan mong sinagot na ako ni Dianne, isang linggo kang hindi nagpakita. Sa totoo lang, walang oras na hindi kita hinanap. Hanggang nagbalik sa dati ang lahat, walang tigil ang iyong pagsulat upang ipagsigawan muli ang pag-ibig mo sa akin. Hanggang makipag-break sa akin si Dianne dahil hindi niya matanggap na wala akong ginagawa upang tumigil ka. Hindi ko alam kung bakit wala akong sakit o panghihinayang na naramdaman.
"Hi! Mukhang kahit si Leonardo da Vinci ay mahihirapan na ipinta ang mukha mo, ah." Heto ka na naman, sana hindi ka na lang lumapit sa akin ng hapong iyon. Lalo mo lamang ginugulo ang aking puso at isipan. At galit ang tangi kong naisip na ipanlaban dito.
"Leave me alone, Nichole! Kahit ano pa ang gawin mo, hindi kita papatulan. You're nothing but a real brat!" Nakita ko ang pagkagulat sa iyong magandang mukha. Ngunit narito na ito at kailangan kong panindigan upang pareho tayong hindi masaktan pagdating ng araw.
"Look at yourself! You are acting like a desperate cheap whore!" ang malupit kong sigaw sa'yo.
Sa pagkakataong ito ay hindi mo nagawang itago ang hapdi sa iyong mga mata bago ka umalis at nagtatakbo patungong dalampasigan. Nang mapagtanto ko ang mga nasabi ko, nagmamadali akong sumunod upang humingi ng tawad. May kaba akong naramdaman sa maaari mong gawin. Subalit sa kabila nito, pinatatag ako ng paniniwalang ikaw ang pinakamatatag at pinakamatalinong babaeng nakilala ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng abutan kitang nakaupo sa may batuhan at umiiyak habang pinagmamasdan ang paghampas ng mga alon sa gilid ng malalaking bato. Pinigil ko ang aking sariling lapitan ka at hinayaan ko lang na mailabas mo ang lahat ng hinanakit na iyong nararamdaman. Unti-unting dumilim at nakita ko ang dahan-dahan mong pagtayo mula sa batuhan. Ngunit hindi mo napansin ang nakausling bato sa iyong hahakbangan, sumabit ang kaliwa mong paa na naging dahilan upang mawalan ka ng panimbang. Nahiling ko no'n na sana ay kasimbilis ako ng hangin upang napigilan ko ang pagbagsak mo sa tubig. Hindi ko alam kung paano kitang naiahon mula sa malalim na karagatan at inihiga sa malapad na bato. Ngunit kinabahan ako ng mahawakan ko ang ulo mong dumudugo. Marahil ay tumama sa bato bago ka tuluyang bumagsak sa tubig.
Ilang oras nang tapos ang operasyon ngunit hindi tiniyak ng mga doktor na mabubuhay ka dahil sa pagkakabagok ng iyong ulo. Tatlong araw Nicky, tatlong araw mo kaming binigyan ng pag-asa. Alam kong hanggang sa huling sandali ay lumaban ka ngunit sadyang hindi mo na kaya.
Narito ako ngayon sa harapan mo, maging ang kalangitan ay lumuluha sa iyong paglisan. Patawarin mo ako, Nicky, kung nag-alinlangan ako sa iyong nararamdaman dahil sa mura mong edad. Saan ka man naroroon, hindi kita malilimutan.
"I love you, wild heart. Someday, we'll meet again."

No comments:
Post a Comment