Wednesday, July 29, 2009

Sikat pa ba si Superman? Pagbabagong-Imahen ni Superman



S a dulang may dalawang tauhan, pinag-aralan at kinilatis ang reputasyon ni Superman bilang sugo ng kalangitan at tagapagligtas ng inaapi. Sa pagkakataong ito'y sinipat si Superman sa loob ng kanyang mundo, habang kasama ang kanyang paboritong karamay sa buhay na si Superdog. Nais malaman ni Superman kung anu-ano nang mga bagong tricks ang kayang gawin ni Superdog. At tulad ng isang mabuting aso, magpapasikat si Superdog ng kanyang bagong natutunang tricks. At higit pa roon ang gagawin ni Superdog. Sa pagtapon ni Superman ng patpat na inaasahan niyang ibabalik ni Superdog, dadalhin ni Superdog ang isang sagwan na kinuha niya sa isang mangingisdang pinatay niya. Natuwa si Superman sa bagong trick na ito. At simula na ito ng mahabang litanya ng mga bagong tricks na natutunan ni superdog tulad ng LIK o Lu-ok, Ihaw, Kilaaw, para sa mga kumokontra at kaaway ni Superman, ang paglikha ng mga investigating bodies para sa imbestigasyon ng pagkapaslang sa mga mass leader tulad nina Olalia at Alejandro (maxxy's note- at marami pang mga sumunod, ang iba'y hanggang ngayon kahit ang bangkay ay hindi pa rin natatagpuan), pagbubuo ng paramilitary troops tulad ng vigilantes upang maipalaganap ang demokrasyang ibinabandila ni Superman. Magsasagawa ng pagmamasid ng buong bansa si Superman upang matiyak kung tunay ngang napangalagaan ni Superdog ang kanyang reputasyon sa buong kapuluan. Lulan ng isang helikopter ay lilibot ang dalawa sa mga pulo at makatutuklas ng mga tanawing hindi kanais-nais para sa kanila. Nariyang makatanaw sila ng mga Pulang Armadong nagsasagawa ng treyning sa bulubundukin ng Mindanao. Sa pamamagitan ng teleskopyo'y tatama ang mga mata ni Superman sa mga naglalakihang mata at tiyan ng mga batang gutom sa Negros. Nariyan ding madaanan nila ang mga taong nagsisilikas sa kanilang mga bahay bunga ng mahigpit na militarisasyon. Magngingitngit si Superman sa kaniyang makikita. At sa pagitan ng hagupit at alimurang ibabagsak niya kay Superdog ay pababagsakin ng bala ang lulan nilang helikopter. Sa huli'y maghuhukay ng maghuhukay si Superdog pagka't ang mga pulgas na dati'y nakatira sa kanyang balahibo ay pumalibot na sa kaniya at nais magtayo ng sariling gobyerno. Padalhan man ng tulong ni Superman si Superdog ay mahirap na itong masagip pagka't tulad daw ng bansang Vietnam at Nicaragua, at marahil ay malapit na ang Pilipinas ay hindi na rin makukuhang isalba ang reputasyon ni Superman pagka't maging sa mga lugar na ito'y nakalimutan na rin siya bilang tanging tagapagligtas ng mga inaapi. Sa pagitan ng pag-iyak ni Superman, tuturuan nila ni Superdog ang mga manonoodng awit na "Thank you, thank youfor the aid" bilang katapusan ng bahagi ng isang kaiga-igayang dog's tricks show.

Masasabing ang Superman and Superdog ay isang matagumpay na pagtalakay sa isyu ng imperyalismo sa paraang malikahain at katuwa-tuwa. Sa pamamagitan ng imahe ng isang popular na super hero, nagawang talakayin ang isang masalimuot na isyu sa paraang payak. Akma ang paralelismo sa pagitan ni Superman at ng Imperyalismong Estados Unidos, pati na ang paggamit ng tula bilang isang alegoriya ng mga lokal na paper na kakutsaba ng mga imperyalista sa bansang kanilang sinasakop tulad ng Pilipinas. Sapol rin sa pagsasadula ang paglalahad ng mga manipestasyon ng mga isyung tulad ng kahirapan, low intensity conflict (LIC), crackdown at witch-hunting ng mga kilalang mass lider.

Mga Tulak at Kabig sa Pagbabagong-Imahen ni Superman

Mahusay ang pagkakagamit ng Superman bilang isang paralelismo ng Estados Unidos pagka't tunay ngang si Superman ay luwal ng kaisipang Amerikano at tunay namang instrumento sa pagpapalaganap ng kaisapang "benevolent" ng mga Amerikano. Maganda rin ang imaheng ito pagka't kung pag-aaralan ang mga katangian ni Superman ay matutuklasang ang mga kagalingang nakapagbubuklod-tangi sa kanya tulad ng X-ray vision, bilis na tulad ng kidlat, lakas na tulad ng lakas ng sandaang lalaki at ang kakayanang lumipad ay pawang paso na sapagka't sa kasalukuyan ay nakapagpaunlad na ng teknolohiyang nakahihigit pa sa kakayanan ni Superman. Maitatapat na ang laser vision sa kanyang X-ray vision at kayang-kaya nang isagawa ng bagong makinarya ang bilis at lakas na dati rati'y siya lamang ang nagtataglay. At tulad ng imperyalistang Amerikano, unti-unting natutuklasan ng mga taong dati'y tumitingala sa kanya na hindi pala siya tunay na walang kapantay at hindi maaaring magapi. Ganito ang imahe ng imperyalista; sa loob ng mahabang panahon ay umasta itong di magagapi.

Gayunpaman, may ilang katangiang hatid ang paggamit ng Superdog bilang alegoriya ng mga lokal na kolaboreytor. Sa pamamagitan ng kasuotang dilaw, naipahihiwatig na ang mga nagdaang rehimen tulad ni Aquino (at ang kasalukuyang rehimeng Arroyo) ang gayong tauhan. At bilang isang aso, may mga namamatay na mga pulgas sa kanyang balahibo- iba't ibang kulay ang pulgas, nagpapahiwatig ng iba't ibang pulutong ng mga paninindigang pampulitika sa Pilipinas. Kung tutuusin, madali nang maunawaan ang imahe ng aso bilang sunud-sunuran sa among Estados Unidos (Superman). Ngunit sa imahe ng pulgas na may patungkol sa mga mamamayang may iba't ibang paninindigang pulitikal, tila nagpapahiwatig na ang mga mamamayan (pulgas) ay nabubuhay sa pamamagitan ng dugo o kabuhayang nasisipsip nila mula sa mga lokal na kolaboreytor (aso). Hindi nga ba sa tunay na buhay ay ang mga mamamayan ang bumubuhay sa mga lokal na kolaboreytor at sa bayan sa kabuuan sa pamamagitan ng kanilang tuwirang paglahok sa produksiyon sa lipunan? Dagdag pa rito. sa bandang huli, ang pagtuturo ng dalawa ng isang awitin sa mga manonood ay tila nagkaroon ng implikasyon na ang mga manonood na inuuto ng dalawa ay dili iba kundi ang mga pulgas (mamamayan) na magbubuklod sa bandang huli at magnanais na mgtayo ng sarili nilang gobyerno.



Tuesday, July 28, 2009

Pagbaklas sa Imahen ni Superman Mula sa Mata ng mga Sinasagip


(Para sa walang sawang sumisigaw sa lansangan, nakikibaka, naghahanap ng pagbabago...para sa mga kayumanggi o kayumangging nahaluan ng puti...para sa mga walang pakialam...para sa mahilig makialam...para sa mga tanga at nagtatanga-tangahan...at higit sa lahat sa mga umiidolo kay Superman. Tamaan ang gustong tamaan, umilag ang gustong umilag, ma-inspire ang gustong ma-inspire, tumaas ang kilay ng mga may kilay...bahala kayo kung pano niyo tatanggapin ang artikulong ito. Basta ako bilang yorkie type ko lang i-post ito mula sa mga lumang libro ni Mommy. Na-curious kasi ako kung sino si Superman at si Super dog..bow wow! wow!)


At titingalain ng mga taong inaalipusta ang anyong pumupunit sa katahimikan ng kalangitan. Dumating na ang taong magwawakas sa kanilang panggigipuspos. Sa wakas, narito na rin ang tagapagligtas ng mga inaapi. Isang maputing lalaking nakakapa ng bughaw, naka-brief na pula at puting pang itaas na may nakasulat na titik "S," ang bababa mula sa kalangitan. Isang bisig ang nakasuntok sa kalangitan habang kipkip sa kabilang tagiliran ang isa pang nakakuyom na kamao. Sa isang iglap ay tutugisin ng lalaking naka-asul, pula at puti ang lahat ng masasamang loob. Walang nakaliligtas sa bilis ng kanyang takbo at kilos. Sinumang magtangkang tumakas sa kanyang lakas ay walang-salang lilipad sa ibang planeta't di na makakabalik nang buhay sa mundong ibabaw. O dili kaya'y magpapalipas ng kanyang nalalabing sandali kapiling ang mga uod at langgam sa ilalim ng lupa.


Sa bisa ng mahiwagang titik "S" na naka-plaster sa kanyang dibdib ay mapapalis ang lahat ng masasamang elemento sa mundo. Sa isang iglap, parang salamangkang nasabuyan ng kalutasan ang lahat ng suliraning kinakaharap ng tao. At lahat ng ito'y dahilan sa isang Superman.


Ngunit ipinanganak si Superman sa panahon ng kotseng nakabolga at mga buhok na naka-tease at spray net. Habang binobomba ang Pearl Harbor at ipinapanganak ang bomba atomika sa mga laobratoryo ay nakabandila sa katauhan ni Superman ang demokrasyang pinalalaganap ng Amerika. Sa Pilipinas ay malugod na tinatangkilik ang "benevolent assimilation" na dala ng Amerika. Madaling napapaniwala ang mga mamamayang ang mga Amerikano ang sugo ng Diyos at pinagpalang tubusin ang mundo sa harap ng lahat ng mga suliranin-sa ngalan ng demokrasya. Maluwalhating namahay ang mga ganitong kaisipan sa isipan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng idolong si Superman. At sa pamamagitan ng mga paglipad at pagsuntok ni Superman, nagawa ng mga Amerikanong negosyante na mapasakamay nila ang kalakhan ng industriya ng Pilipinas. Bumulusok ang ekonomiya, nagpalit ng mga presidenteng pawang maka-Amerikano at nalipol ang kaisipan ng mga mamamayan upang humimod sa dayuhang interes. At ngayon, habang nagbabadya ang digmaang nukleyar, inaaliw-aliw ang mga mamamayan ng mga aid at AIDS bilang tulong sa lumalalang pang kabuhayan. At lahat ng ito'y sa ilalim ng bandilang demokrasya.


At kung tunay ngang nasa kay Superman ang katugunan sa mga suliranin, ano't lalo pang nalulubog sa kahirapan ang mga mamamayan? Tunay nga kayang nakasalig pa rin kay Superman ang katubusan ng mga mamamayan? To be continued.....


Next post: Sikat pa ba si Superman? Pagbabagong-Imahen ni Superman


(It was published at Kultura, Cultural Center of the Philippines in 1990...by Glecy C. Atienza)

Sunday, July 26, 2009

When She Cries


I was just wondering what were those salty water which come out to our eyes made for? Humans called it tears, for me i called it nuisance. I always have these even I don't want to. They irritate me. They say, when you cry tears follow. You cry for various reasons. If you are sad you cry, happiness make you cry either. Anger, anxiety, excitement and whatever emotions human beings are capable to show. But still tears are nonsense, waste of time, out of my yorkie world word for me until this afternoon when I saw her silently crying in her room, tears carefully making its way on her face. She didn't notice that I was curiously watching her. Why was she crying? Was she happy or sad? Did I make something wrong that made her cry? When I intently looked in her eyes, I saw two emotions, pain and anger but more on the first I have mentioned. And then I heard her raising her voice while talking to my "number 1 enemy" in the house. It was then I understand the reason of the tears in her eyes. It was really painful if no one couldn't appreciate all the good things you've done. It really could break your heart if the reason of your sacrifice was the one who was pulling you down. I couldn't blame her if she started to ask, "Is it worth to stay and work hard for you? Is it worth to leave all my needs behind and put your welfare first? Is it worth or just wasting my precious years?"

Pain.
I saw her working even she was sick. After a day of rest she went to her work while still suffering from the flu. One day of working means big help for them. No one asked her how her feeling was. Nobody offered her a hot soup for her severe cold. They didn't even tell her to take rest.
She didn't get any comfort from them. Now, they are sick. It's her turn to avenge (bow wow wow!). But she didn't do it. She was busy with me and with her work and yet she still have time to bring food for them, to nurse them. And to hear from 'his' selfish and tactless mouth that she was not as good as his favorites', it was really painful. Now, I understand what were those tears made for. To release the pain if nobody listens.

Anger.
She has so many questions in her mind, questions which have been remained unanswered since time immemorial. She thought she did everything and still doing everything for them. She's not asking for any attention or love. It is given freely and whole heartedly not forcefully. She's doing those things because she loves them and not expecting in return. But stabbing her back, stabbing her heart with the strike of those people she loves, it will end your silence. Sometimes, it's good to shout at your heart's content. No wonder I hate him. I always am on guard every time he's around. I feel unsafe. Now, I understand what were those tears made for. To release the anger for them to hear you.

Saturday, July 25, 2009

Super Busy Weekdays, Over Crunchy Saturday


Thanks to all my dead yorkie ancestors it's Saturday! For five days my mom had been busy...working 9 hours a day and it meant less time for us to be together...i missed her so much and so did she. She spent the whole day with me cos finally, her boss came into his senses that weekends should be given to the students to relax and have fun by malling, watching movie, shopping, etc. so she has no more Saturday class! bow wow wow! I've got my weekly wash, I hate it...i hate the water pouring on my furs 'til it runs down my skin. Perhaps, i will never get used to it even in doomsday! But anyways, i can do nothing about it but to complain more than that i only have to writhe my hands on my mom's every time she pours warm water on my back and after few minutes which seems hours for me, i will run to my grandma's bed and roll my small and wet body on her bed. That's the way how i dry myself up. bow wow wow! Anyways, how was my day? After suffering from my weekly wash, indulging the monster comb running in every strand of my furs and tickled by the cotton buds inside my ears, you know what happened next? My mom put me on the sofa, a height that i couldn't imagine (well, too high for the baby yorkie like me). Then, she turned her back to get something. But because i'm still a baby i didn't realize what harm could bring it to me if i jump...and i did...too late to realize... i thought i saw dancing stars when my chin hit the tiles. My mom ran as fast as she can and got me. I cried on her while she was gently massaging my back and whispering words of comfort. In few minutes, i couldn't move. Just letting myself to feel the warmth of her caress and her touch helped a lot to make me feel better. After few hours my stomach started to knock. My feet brought me to where my food was. I bit one and chewed it...it was crunchy...at first it seemed it difficult to chew but while it lasted into my mouth it tasted good that i could get another one, another one again until no more. Now, the wet food that i used to was already forgotten. I learned to like crunchiness...I like making my mouth busy in digesting my food and enjoy it. Like my mom, she loves being busy at work and enjoy that. It's life, it's your choice. Enjoy it or leave it! (By the way i heard that i've got a new brother. My mom seemed unhappy. I don't know why. Perhaps, she really likes yorkie girl)

Sunday, July 19, 2009

Isang Maikling Bakasyon sa QC

Hi mga ka-blog! Parang tagal nating di nakapag-usap ah. Na-miss ko kayo. I've been to Manila for two days. Isinama ako ni Mommy dahil gusto niya manood ng finals ng Ginebra at San Miguel. Die-hard fan kasi siya ng Ginebra. She was so happy going there hoping to witness how her fave team gets the championship crown. But she went home na bigo kasi natalo ang team niya. Ok lang yan Mommy nakita mo naman si Racela (maka-Ginebra pero kinikilig pag nakikita si Racela kahit sa tv..bow wow wow!)

Dahil natalo ang Ginebra idinaan na lang nila sa kain dun sa Teriyaki Boy at di naman sila na-disappoint cos they enjoyed the food. Tapos pina-groom nila ako kasama ang kapatid kong si Marty. Guapong-guapo ang dating ko ngayon..bow wow wow! Tapos kanina umaga nahilo na naman ako sa mahabang biyahe kaya idinaan ko na lang sa tulog habang balot na balot ako ng makapal na towel kasi di dapat ako makita ng inspector ng bus. Bawal kasi ang mga pets sa loob ng airconditioned bus. Binalak pa nga ng mamang konduktor na itago ako sa pinakadulo ng bus, dun sa likod ng pinakadulong upuan. Buti na lang 'di pumayag sina Mommy at Daddy. Kaya naman nakisama rin ako. Hindi ako nag-ingay at kahit sukang-suka na ako sa biyahe pinilit kong makatulog at hindi ko namalayan pababa na pala kami...Tagumpay! Here I come again Tagaytay! wow wow!

Sige hanggang dito na lang muna. I'm too exhausted sa napakahaba at nakakahilong biyahe, gusto ko matulog ng maaga. See you again!

Thursday, July 16, 2009


It's a rainy morning. My mom got up earlier than her usual time. I wondered why but nevertheless I greeted her by wagging my tail and giving her small hands gentle bites with my sharp teeth. I was curiously looking at her while she was doing familiar routines. I knew she was going to somewhere. Iiwanan na naman niya ako. I found out her boss gave her another student for the morning class. Hindi ko na rin siya makakasama ng ilang oras every morning. I wanted to stop her but I couldn't. And the heaven heard my agony, it was raining cats and dogs...bow wow! wow! She was looking at her watch every now and then. I could see that she had second thoughts of going to work. And when the heavy rains kept going, she decided to stay . Bow wow! wow! My deeply and sincerely gratitude in heaven. it's only one day but it's still a day with her, a blissful day for a yorkie who found his home, there with a master who has a big heart for the likes of us.

Rain, rain is pouring on the roof! She hates rain, it makes her feel blue but this time I want these rains last a life time if that's the only way I can keep her beside me but i know tomorrow is another day. I only have to enjoy every second with her.

Wednesday, July 15, 2009

A Woman of Contradiction, A Woman You Love

It's 9:35, my mom and I are still awake..she's busy thinking (of something?) and I'm busy typing for this new post. Musta ba ang maghapon ko? Since i arrived here my life became a routine. In the morning, I get up when I feel she's awake. In few minutes, I'm out with her for my morning walk (of course kasama na dun ang pag-ihi at pagdumi ko). After that, my food is prepared and it's up to me when do i want to eat. Then, I can play with her from morning 'til afternoon. But she usually takes a nap at 2:30 kaya sinasamahan ko siya. I comfortably am sleeping underneath her bed. Like this afternoon, sarap ng tulog ko knowing she was there beside me. Wala nga akong pakialam sa mga ingay sa labas basta mahimbing ako natulog with my two feet up and tongue out..wow! wow! Nagulat na nga lang ako paggising ko nakapaligo na siya. Hindi ko namalayan na nakaalis na siya sa tabi ko. Surely, she did a cat move. Ganun siya pag nakikita niyang masarap ang tulog ko. She doesn't have a heart to wake me up by her noise. For more than a week I've been with her I already memorized her smell, her act, her touch, her voice and everything about her. Nalungkot na naman ako kasi I knew aalis na naman siya. At 5 she always leaves me behind. Ramdam ko ayaw niya din pero she needs to go kasi naghihintay ang mga estudyante niyang Koreano. Tuwing hapon naiiwan akong mag-isa sa bahay. Not totally alone. Actually with my lola who doesn't want me to get in her room (minsan ko kasing inihian ang bed niya). I mistook it for a big rag! hahaha. Also there is my lolo who always fond to irritate me by his big and scary voice. As if I'm scared! hehe. With two oldies, I choose to stay on the corner and pretend I'm asleep til my mom comes.

I believe my mom is a multi talented woman. She can reads yorkie movement and she can understands her students...hahaha. Well, what I admire her the most is her skill to understand korean English...hehe. Hindi maabot ng yorkie mind ko pano niya napagdudugtung-dugtong ang mga grammar ng mga students niya at nagagawa nilang magkaintindihan..hahaha. That's what she paid for. Sometimes she hates her job but there are times she learns to love and enjoy it. She loves writing but when an opportunity opened for her to become a romance writer she quit after 6 published books. She's not a couch potato but when she sees a good one, she's going to watch that from morning til morning again...hahaha...She hates getting fat but she loves eating sweets. She's a silent type but her laughter could reach the Brokeback Mountain! hahaha. Her face is calm but she has a bad temper. She doesn't drink coffee but she will take a sip (pag natimpla na at ayaw niyang ipahiya ang nag-alok). She laughs but she cries inside. She doesn't want to be questioned but she has so many queries. And no one can read her, she's a woman of contradiction...

She doesn't want to be read but she only wants to be loved...that's why i love her!

Tuesday, July 14, 2009

Disenteng Kawatan

Ang tikas ng iyong tindig
sa signatured mong Amerikana.
Humahalimuyak ang bango
dulot ng mamahaling perfume
na humahaplos sa buo mong katawan.
Kaylambot ng iyong mga palad
alaga sa lotion na binili pa sa Amerika.

Inihilera ang mgarang chedeng
sa harap ng batasan
at taas noong pumasok
sa maluwang na kaharian.
Kampanteng naupo sa tronong nakalaan
sa tulad mong naghaharia-harian.
Konting huntahan
bago simulan ang hatol sa bayan.
Isang pirma mo lang ang kailangan
upang maipasa ang batas
na magpapahirap sa simpleng mamamayan.

kahapon lamang kay tatag ng iyong paninindigan
na tatayo ka para sa iyong mamamayan
subalit isang tawag sa telepono
at narinig ang mala-anghel na tinig buhat sa palasyo
walang isang kisap mata at lahat ay nagbago.

Taas noong lumabas
sa maluwang na kaharian
hindi alintana ang iniwang sumpa
para sa kanyang inang bayan.
Bakas sa mga labi
ang ngiting kasuklam-suklam
lumilipad ang isipan
sa pagbabalik sa mala-palasyong
hawla ng katakawan at kasakiman
kung saan naghihintay
ang marami pang signatured na Amerikana,
mga mamahaling perfume
at magagarang chedeng
kapalit ng pagtataksil sa inang bayan!

(Suporta ng mga yorkie para sa mga tumututol sa pagbabago ng Constitution. Wala itong maidudulot na mabuti para sa lahi namin. Fight against Con-con! Kagatin ang mga timawang nagtutulak nito! Bow aw aw! grrrrrrrrrrrrrr!!!!)

Monday, July 13, 2009

Why People Shut Their Eyes When They Kiss?


Papakaseryoso muna ako huh...There was something tickling my high breed mind last night. Why do people shut their eyes when they kiss? We, the yorkies, never do that. We make sure that we are seeing whom we kissing with, di ba mas masarap ang ganun? wow! wow!

My mom told me human beings are automatically close their eyelids when kissing to avoid getting overwhelmed emotionally. Kissing brings too much pleasure to everybody because the teeth, jawbones and lips are full of nerves. Therefore, when the lips meet , an electric current is generated. Iyon nga ang sinasabi nila na may 'spark' bow wow! wow! Hence, they shut their eyes when they kiss to unload too much emotions that can drown them. One more reason is to avoid them seeing amorphous facial feature of their partner up close. Hmmmm......isn't it the modest way to say they don't want to see what kind of creature they are sharing their salivas with? bow wow! wow! But again, my mom has scientific explanation for this. She said when people kiss all their glands are in active that can cause their eyesights blur. They couldn't see the shape distinctively. Everything is vague. For that, man and woman shut their eyes while kissing.

Lastly, it is because of modesty. They close their eyes to put their partner at ease. To feel them comfortable while tasting the sweetness of their kiss. Hmmmmm.....it is more logical...wow! wow!

When the yorkie kisses his master, she laughs and she is tickled. But what if a man is in the middle of kissing his partner and she laughs? What would be the man's first reaction? mmmmm....(If I'am in the mood, i'll answer that on the next post)

Sunday, July 12, 2009

Wash Away My Dirts

Alas! My "mom" is getting better, slowly but surely she can fully recover from this "swine flu" na ayaw niyang aminin. She insisted that it was just an ordinary flu baka kasi i quarantine siya ni DOH Sec hehe...ordinary flu from ordinary korean students who sneezed and coughed in front of her and from her male student who made dila-dila sa sipon nitong lumabas sa ilong. Yucks! I really felt humiliated when I was all ears from her so yucky story. Wala naman "breed" ang batang iyon. Hindi tulad naming mga yorkie, we use handkerchief for our wet lips.....hahaha.

At dahil magaling na si mommy nakapaligo na rin ako. yehey! Feel fresh and ready to woo...pero bakit wala yatang magagandang chicks here. Ang papanget ng nakikita ko, wala akong ka level. I was so exhausted barking and running after this golden brown white big ugly creature. Well, unheard of his breed. He is fit in the street so i have not been allowing him to get in since i came here. My mom called his "bingo". I always show him my well educated manner in fighting and my rabbit style of running, pero lagi niya ako dinededma, tama ba yun? masyado niya akong minamaliit. I won't allow him to come near my mom, meron pa palang dalawa, si Chickie at si Kenny. I won't allow them to take my mom away from me, selfish ako eh! wow! wow!

Mabalik nga tayo sa isyung kabaklaan. My dad said kahit daw sa animalandia ay may mga bading at tomboy. As if i'm not aware...hehe...pero sa kingdom namin we embrace and accept it. Iyon naman ang mahalga acceptance and let them live the way they want it to be. Unlike dito sa kaharian ng mga tao, people will condemn you if you stray from what they believe "God's will and His law." Dami kasi moralista dito, lalo na sa bayang pinas. Daming mga "malilinis" at "maka-Diyos". Tulad ng mga paring may itinatagong mga anak, madre na nagpalaglag, pangulo na corrupt, mga mambabatas na bayad, mga elitista na may kanya-kanyang skeleton sa closet. Sila pa yung mga nangunguna na hahatol sa mga pinagbabawal na relasyon. Hay sarap maging moralista, sarap mambato ng kapwa whereas puno ng takot ang kanilang dibdib sa kakailag na tamaan din sila...bow wow wow!

Maxxy's New Beginning


Hello everybody! Maxxy is here! nice naman ng place na ito i can talk and i can write any thing i want...hanep talaga ang technology noh! Ang bilis magbago, andaming pagbabago. buti na lang nakakasabay kaming mga yorkie. Parang kailan lang nasa QC ako kakulitan ang kapatid kong si Marty. Pero biglang-bigla may dumating na isang babae sa bahay, nung una di ko maintindihan kung ano ang kailangan niya. Pero kahit ano pa 'di ko rin maintindihan ang naramdaman ko para sa kanya...hehe...parang may connection agad sa pagitan namin. I wanted to play with her, i wanted to feel her embrace and forgot the real reason of her being there. At kinabukasan nga bigla na lang aq dineport papuntang Tagaytay. Almost 3 hrs na nakaupo sa ordinary bus, the manong driver from an aircon bus refused us to get on...tinanggihan ako???????? isang yorkie di pinasakay sa cheap niyang bus. when i looked around sosy naman ang dating ko compared sa mga pasahero na dalawang paa lang ang inilalakad. But anyways, let's go back to my topic. bakit nga ba aq pinaalis sa ilang buwan ko ding naging tahanan? bakit kami pinaglayo ni Marty? Si Marty, musta na kayo yun? naging mabilis din kaya ang pag recover niya sa paghihiwalay namin? I don't know but as far as i remembered, oh no, as far as i overheard from my so-called "Daddy" Marty and I should be separated or else one of us will become 'gay' any time soon. Gay?????? wow! wow! wow! why naman kaya naisip niya yun? and later on i found out that the woman who visited was my Mommy. Yehey! I have a Mommy now. I am now complete! Whatever their illogical reason for parting Marty away from me is becoming logical as days pass by. I'm home! I love my Mommy, tsup! tsup! tsup! And I also have daddy in QC! What a lucky yorkie I am!

Ooopsss..time for me to take a nap. See you again next time! Maxxy is signing out..Bow wow wow!