Ang tikas ng iyong tindig
sa signatured mong Amerikana.
Humahalimuyak ang bango
dulot ng mamahaling perfume
na humahaplos sa buo mong katawan.
Kaylambot ng iyong mga palad
alaga sa lotion na binili pa sa Amerika.
Inihilera ang mgarang chedeng
sa harap ng batasan
at taas noong pumasok
sa maluwang na kaharian.
Kampanteng naupo sa tronong nakalaan
sa tulad mong naghaharia-harian.
Konting huntahan
bago simulan ang hatol sa bayan.
Isang pirma mo lang ang kailangan
upang maipasa ang batas
na magpapahirap sa simpleng mamamayan.
kahapon lamang kay tatag ng iyong paninindigan
na tatayo ka para sa iyong mamamayan
subalit isang tawag sa telepono
at narinig ang mala-anghel na tinig buhat sa palasyo
walang isang kisap mata at lahat ay nagbago.
Taas noong lumabas
sa maluwang na kaharian
hindi alintana ang iniwang sumpa
para sa kanyang inang bayan.
Bakas sa mga labi
ang ngiting kasuklam-suklam
lumilipad ang isipan
sa pagbabalik sa mala-palasyong
hawla ng katakawan at kasakiman
kung saan naghihintay
ang marami pang signatured na Amerikana,
mga mamahaling perfume
at magagarang chedeng
kapalit ng pagtataksil sa inang bayan!
(Suporta ng mga yorkie para sa mga tumututol sa pagbabago ng Constitution. Wala itong maidudulot na mabuti para sa lahi namin. Fight against Con-con! Kagatin ang mga timawang nagtutulak nito! Bow aw aw! grrrrrrrrrrrrrr!!!!)

No comments:
Post a Comment